DAGLIANG PAGTUGON NG ERC SA MGA NAKABINBING PSA
DAGLIANG PAGTUGON NG ERC SA MGA NAKABINBING PSA: SULO SA MALIWANAG AT MAUNLAD NA BAYAN
Malapit nang mapaso ang mga kasalukuyan kontrata ng PSA sa pagitan ng Meralco at iba’t-ibang planta ng kuryente. Bilang tugon ay may mga panibagong kontrata ng PSA ang hinihintay na maaprubahan. Sa nagdaang mga pagdinig, ang BK3 ay isa sa mga nangunang sumuri upang tiyakin na ang nasabing kontrata ay dapat na pumabor para sa mga Pilipino.
Lubhang nakababahala kung di maaprubahan ang mga nasabing PSA at mauuwi tayo sa posibleng mataas na singil sa kuryente sa pamamagitan ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM. Ang masaklap pa nito ay maaari din magkaroon ng malawakang brown-out. Ito ang magiging dahilan sa pagsisindi ng mga kandila sa mga kabahayan at sa pagpapaandar ng mga generator sa mga industriya. Ang ganitong sitwasyon ay mapanganib dahil sa posibleng pagkakaroon at paglaganap ng mga sunog. Liban dito, ang pagkawala ng kuryente ay may kaakibat na bantang pagbagsak ng ating ekonomiya.
Mula sa hanay at interes ng mga konsyumer, nananawagan ang BK3 sa dagliang pagtugon ng ERC sa mga PSA.
ERC, hawak nyo ang sulo tungo sa maliwanag na landas ng pag-unlad ng bayan!