Epal lang si Gadon

“Isang malaking kalokohan at wala sa lugar”. 

 

Ganito inilarawan ng isang consumer group ang hiling ng abogadong si Larry Gadon sa Korte Suprema na hadlangan ang pagpapahaba ng franchise permit ng ABS-CBN Corp., hanggang 2022 na magmumula sa National Telecommunications Commission.

 

Ayon din kay Louie Montemar, Convenor ng Bantay Konsumer, Kuryente, Kalsada (BK3), maagang nagpapahiwatig itong si Gadon na tatakbong muli sa pagka-senador dahil panay pa-pogi sa media sa mga nakalipas na buwan.

 

Si Gadon na binansagang “Bobo” heckler ay kumandidato sa pagka-senador noong 2019 ngunit hindi pinalad. Sinuspinde din si Gadon ng tatlong buwan ng Korte Suprema noon isang taon dahil sa paggamit ng mapang-abuso at masasakit na salita sa kanyang propestonal ng pakikitungo.

 

Sa kanyang petisyon para sa pagbabawal, hinikayat ni Gadon ang Korte Suprema na utusan sina Speaker Alan Peter Cayetano at NTC mula sa pagpapatupad ng paunawa ng pagpapalawig sa pahintulot ng ABS-CBN.

 

Ani Montemar, halatang umeepal lang itong si Gadon dahil alam niyang pending magpa hanggang sa ngayon sa Korte Sumpema ang inihain na quo warranto petiton ni Solicitor General Jose Calida noong Enero laban sa ABS-CBN.

 

Bukod pa riyan, sabi ni Montemar, ang House committee on legislative franchises ay tumanggi na sa mga panawagan na suspindihin ang mga pagdinig nito sa aplikasyon ng pag-renew ng franchise ABS-CBN upang maalis ang paglutas ng petisyon ng quo warranto sa Korte Suprema

 

Sinabi ng panel chair at Palawan Rep. Franz Alvarez na ipagpapatuloy nila ang paglilitis sa 11 bills na naghahanap ng pag-renew ng 25-taong franchise ng network kahit na ang petisyon na isinampa ni Calida ay nananatiling nakabinbin sa harap ng mataas na korte.

 

“Ang bagong petition ni Gadon ay isang plano upang matakpan ang proseso ng pag-renew ng bagong prangkisa ng ABS-CBN,” ayon sa BK3.

 

Kung may reklamo ang isang indibiduwal o grupo ay dapat ito ihain sa Kongreso at hindi sa ano mang korte kasama na ang Korte Suprema dahil ang kakapagresolba lamang ng isang prangkisa ay ang komite ni Alvarez, dagdag pa ni Montemar.