Kriminal ang ganitong uri ng kapalpakan sa ilalim ng isang krisis!

Noong 2017, minura ni Duterte ang mga jeepney driver na ayaw sumunod sa pinagtutulakan ng pamahalaang jeepney modernization program. Mamatay daw sila sa gutom. At tulad ng ginawa niyang pagpatay sa trabaho ng maraming taga ABS-CBN, ito pa ang isang mukha ng TOKHANG ng pamahalaan sa kabuhayan ng karaniwang mga mamamayan.

Sa ilalim ng pandemiya, lalo lamang nagging matingkad at matindi ang kapalpakan at kawalan ng malasakit ng mga patakaran at program ng kasalukuyang administrasyon! 

Kitang kita natin ito sa mismong pagbibigay pansin ng Commission on Audit sa mahina, inepektibo o usad pagong na pagbibigay ayuda ng LTFRB sa mga drayber ng jeepney na bumagsak ang kabuhayan dahil sa mga restriksiyon sa ilalim ng pandemiya.  Kriminal ang ganitong uri ng kapalpakan sa ilalim ng isang krisis!