Lehistahibo para sa edukasyon

Nais ipaabot ng BK3 ang isang masigabong pasasalamat sa ating mga representante sa Mababahng Kapulungan para sa mabilis na pag-apruba ng HB 9913.

Ang pagbasura sa BIR RR 5-2021 na magpapataw ng wala sa lugar na buwis sa mga PEIs (proprietary educational institutions) ay sadyang napakalaking tulong sa ating mga samabahayan na patuloy na nagkukumahog mapaaral ang kanilang mga anak.

Bago pa man magsimula ang pandemyang COVID, naging tampok na ang pagbaba ng enrolment sa mga pribadong paaralan. Subalit sa panahon ng pandemya, higit itong bumaba. Ayon sa mga panimulang resulta, 118,000 lamang ang nag-enrol para sa SY 2021-2022 kumpara sa 2-milyong enrolment nung nakaraang taon.

Sa pamamagitan ng mabilisang pagkilos ng ating lehislatura ay maiibsan ang mga paghihirap na dinaranas ng ating mag-aaral—ang pagkakaroon ng de-kalidad na edukasyon sa gitna ng pandemya.

Kung kaya’t nagsusumamo kami naman ngayon sa Senado, at partikular kay Senador Pia Cayetano (Chairperson of the Senate Committee on Ways and Means) na agarang maaksyunan ang pag-apruba sa SB 2272. Sa gayon, maitaguyod natin ang angkop na buwis para sa PEIs na 1% mula July 1, 2020 hanggang June 30, 2023 at 10% naman sa mga susunod na taon. Bagkus pa, ito ang nakasaad sa Republic Act No. 11534, ang tinaguriang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE).

Umaasa ang BK3 na lubusan ang suporta ng ating mga mambabatas para sa edukasyon at papalakasin pa ang pagtugon sa mga pangangailangang pangedukasyon ng ating mga kabataan sa gitna ng parusa ng pandemya!