Nakakasirang Pamimirata
Malugod na sinosoportahan ng BK3 ang pahayag ni IPOPHL Director General Rowel S. Barba[MOU1] hinggil sa napipintong pagkakaroon ng isang kasunduan sa pagitan ng IPOPHL o ang Intelectual Property Office of the Philippines, at[MOU2] ng mga internet service providers (ISPs) o mga [MOU3] kompanyang nagbibigay ng serbisyo para sa koneksiyon sa Internet na maglalatag ng mga pamamaraan upang malabanan ang piracy o pangongopya’t pamimirta ng mga produktong intelektwal gaya ng mga pelikula at mga awitin o musika.
Naulat na magiging kabahagi ng kasunduang ito para sa isang inisiyatibang lalaban sa pamimirata ang mga internet service provider na Globe Telecom, PLDT, Smart Communications, Converge, Sky Cable Corp, pati na ang DITO Telecommunity Corp.
Magandang inisyatiba ang bagay na ito sapagkat may pagtatantiyang taun-taon, may120 milyong dolyar o halos anim na bilyong piso ang nawawala sa lokal na industriya ng pelikula at musika dahil sa mga pamimiratang digital. Kaugnay nito, talamak talaga ang pamimirata sapagkat ayon sa isang pag-aaral, isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na tantos ng pamimirata dahil sa laki ng bilang ng mga nawiwili at tumatangkilik sa mga namimiratang internet sites. Tayo ring lahat ang talo sa ganitong kaayusan na may laganap na pamimirata sa mga produktong intektuwal sapagkat pinahihina nito ang ating ekonomiya sa pangkabuuan. Ang ating sariling industriya ng pelikula at telebisyon kung saan libo-libong pamilya ang umaasa ay pinapabagsak ng ganiting pagnanakaw ng mga magagandang likhang isip ng mga Pilipinong manlilikha at artista.
Itigil natin ang pagtangkilik sa mga piniratang produkto at mga namimiratang internet sites.
Maging responsableng konsyumer po tayo!