Pahayag ng BK3 Hinggil sa ating ICT Infrastructure
Sa ilalim ng pandemiyang dinadanas natin sa ngayon, kitang-kita kung paano tayong lahat umaasa sa ICT. Nariyan ang simpleng paggamit ng cellphone, ang pagbili ng kung anu-ano online, lalo na ng mga makakain at mga karaniwang gamit sa bahay at pati para sa ating mga trabaho, ang pag-aliw sa ating mga sarili gamit ang digital games, at kung anung-ano pa. Malinaw ding tumataas ang bilang ng mga gawaing pangkabuhayan online. Ito ang dahilan kung bakit hinahabol na ngayon ng BIR na buwisan ang mga malalakas na online sellers at content providers.
Ngayon, ang iba’t ibang kabuhayan at sektor ay naghahanap ng mga paraan upang makasali sa e-commerce at digital community. Lumikha ngayon ng mga tinatawag na digital solutions ang iba’t ibang kompamya upang matugugan ang ating mga suliranin at hamong hinaharap.
Ang kaso nga lamang, paano makikinabang ang nakararami sa mga naturang e-solutions kung wala silang access dito dahil ang ating impraistruktura sa ICT ay kinakapos sa daming ng gagamit ng broadband signal. Kailangan itong isaayos.
Halimbawa na lamang, dapat alisin ng gobyerno ang mga hadlang sa burukrasya na nagdaragdag ng abala at mga gastusin para sa mga kumpanyang nakasandig sa mga naturang impraistruktra? Ang mga mamimili rin ang papasahan ng mga pagka-abala at mga gastos na ito. Kagyat na pangangailangan natin ang pag-unlad sa impraistrukturang pang-ICT sa bansa.
Bukod sa nagpapadulas sa paglaganap ng impormasyon at kaalamang susi sa isang gumaganang demokrasya, itong digital na impraistrukturang pambansa ay tuntungan ng isang binagong kalakarang pang-ekonomiya post-pandemic.
Tungo sa lahat ng ito, dapat unahin ang pagpapalakas ng ating telecommunication at digital infrastructure hanggang sa mga kanayunan upang mapalawak ang serbisyo sa buong populasyon. Ito ay dapat maging isa sa mga nangungunang prayoridad sa diskarte sa pagbangon ng ating ekonomiya.
Bilang halimbawa, ang isang kailangang tignan dito ang pagtukoy sa kung ano ang sanhi ng mga pagkaantala ng konstruksyon ng mga telco tower at iba pang kaugnay ng istruktura na dekada na ang inabot. Ito ay isang katotohanang patuloy na pumipigil sa pag-unlad ng mga liblib na lugar na nangangailangan ng mga teknolohiyang digital upang dumami ang oportunidad magatayo ng bagong negosyong magbibigay trabaho sa ating kababayan.
Isulong ang pambansang ICT infrastructure para sa mga mamayan at konsyumer!
Ibasura ang sobrang “red-tape” na humaharang sa kaunlaran ng bansa at ginagawa lamang sandata ng korupsyon!