Pahayag tungkol sa Inobasyon at Imprastrakturang Digital
Nais kilalanin ng BK3 ang pag-angat ng Pilipinas sa pinakahuling ulat ng Global Innovation Index (Cornell University, INSEAD at World Intellectual Property Organization), na kung saan ay lumundag ng apat (4) pwesto ang ating antas batay sa pamantayang infrastructure, business sophistication and research output.
Ang makasaysayang pagkamit sa ganitong posisyon ay nagsimula noong 2019, kung saan ay tumalon ng labingsyam (19) na baytang ang ating bansa mula sa pagiging ika-73 (2018) tungo sa pagiging ika-54. At sa taong 2020, tayo as nasa ika-50ng pwesto na.
Subalit habang kasiya-siya ang balitang ito, kailangan pa ring higit na paigtingin at pagpapatibay ng ating digital infrastructure upang matugunan ang paglawak ng digital transformation sa ating lipunan.
Alinsunod dito, magiging susi ang mga sumusunod: matinding suporta ng publiko at ng pribadong sektor at paggamit ng angkop na teknolohiya sa pamamagitan ng mapanlikhang digital innovation upang matiyak ang tuluy-tuloy na komersyo at negosyo.
Sa ganitong paraan, ang mga pamumuhunan mula sa publiko at pribadong sektor ang magiging susi sa digital innovation, sa paglikha ng mga trabaho at oportunidad, at sa pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya.
Samantala, pangunahing tungkulin naman ng gobyerno ang paggawad at paglikha ng mga maayos at makatwirang mga batas at patarakan na magsisilbing batayan ng digital transformation.
Nananawagan ang BK3 sa ating gobyerno na itaguyod ang ating industriya ng telekomunikasyon upang tayo ay maging isang globally innovative and competitive nation.
Ipinakita ng pandemya kung gaano kahalaga ang digital infrastructure upang makatawid tayo sa new normal at makabangon sa mga kahirapan dulot ng krisis. At sa pamamagitan lamang ng publiko-pribadong kolaborasyon, pagtutulungan, at maayos na polisiya, mapapabilis ang ating pag-ahon sa krisis.