PANIBAGONG PALUGIT SA GITNA NG KAGIPITAN
Nagbigay muli ang Meralco ng panibagong palugit hanggang sa ika-31 ng Enero 2021 sa mga customer na hirap pa rin bayaran ang utang sa kuryente.mula ng maglockdown hanggang sa kasalukuyan. Ito’y ‘di umano’y bunga ng masusing kolaborasyon sa pagitan ng tanggappan ni Speaker Velasco at ng Meralco. Halos kalahati ng mga Meralco customers and makikinabang.
Isa ito sa napakaraming binibigay na tulong ng pribadong sector upang mabawasan ang bigat ng krisis pang-ekonomiya ng pandemya upang mairaos ang Pasko at harapin ang bagong taon ng may pag-asa.
Pinakita ng pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey na kahit halos isang taon na tayo pinahihirapan ng pandemya, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa tayong mga Pilipino at umaawasanh higit na mas maganda ang magiging buhay sa 2021.
Nagumpisa na ang pagbabakuna sa mga maunlad na bansa. Nanguna nanaman ang pribadong sector sa pagbili ng mga bakunang laban COVID 19 na sana’y masabayan rin ng ating gobyerno upang makamit natin ang tinatawag na “herd immunity” at tuloy-tuloy na ang pag-ahon sa matinding pagsubok na ito.
Ipagpatuloy po natin ang ugnayan ng lahat ng sektor ng sambayanan. Palakasin pa natin ang Bayanihan!
Maligayang Pasko at higit na maunlad na Bagong Taon!
MABUHAY ANG PILIPINO!