SAMA-SAMANG PAGKILOS PARA SA PANGANGALAGA NG ATING KAPALIGIRAN

Sa paglipas ng panahon ay palala ng palala ang katayuan ng ating kapaligiran. Matinding pag-init ng mundo, malalakas na bagyo na ang kasunod ay malawakang pagbaha at kung anu-ano pang mga kalamidad ang tumatama sa Pilipinas. At ito’y may dalang masamang epekto di lamang sa ating kapaligiran kundi pati sa ating buhay at kinabukasan ng ating salinlahi.

 

May mga naging pag-aaral ng mga dalubhasa ang maari nating maging gabay. Ito’y makakatulong upang maunawaan kung paano pangangalagaan ang ating kapaligiran. May mga modernong teknolohiya ang magiging kapaki-pakinabang sa pag-unlad ng ekonomiya ng di naisasantabi ang pag-iingat sa kalikasan. Sa pagnanais natiing maging maunlad ay dapat rin isaalang-alang ang kapakanan ng ating kapaligiran.

 

Simulan nating sa ating mga sarili ang pagbabago. Ang pagmamalasakit sa ating kalikasan ay para sa ating kinabukasan.

 

Sa bahagi ng BK3 ay maigting naming hinihimok ang bawat isa na maging bahagi ng solusyon at di ng konsumisyon!