SANIB PWERSA NG GOBYERNO AT PRIBADONG SEKTOR PARA SA MALAWAKANG COVID-19 TESTING

Sa ating pagnanais na unit-unting maibalik sa normal ang ating buhay mula sa kasaluyang krisis na ating kinakaharap ay nagsanib pwersa ang mga kilalang institusyon sa hanay ng medesina, kalusugan at ang ating pamahalaan na pinangungunahan ng DOH. Ang mga hakbang gaya ng pagsususuri o Test, pagtukoy o Trace at pagbigay atensyong medikal o Treatment ay magiging madali lamang kung makikipagtulungan ang pribadong sektor. Kasunod nIto ay naglalayong mapabilis at mapalawak ang “mass-testing” sa buong bansa.

Ito’y dakilang pagtugon sa panig ng pribadong sektor at dapat ikatuwa ng gobyerno dahil ang kakayahan ng pribadong sektor ay tiyak na magpapabilis at magigigng matagumpay ang misyon ng Task Force T3.

Ang pagsugpo sa krisis na ito ay di lamang sa usaping pangkalusugan bagkus ito’y nakaugnay sa pagbangon ng ating ekonomiya kaya’t napakahalagang malaman kung sino ang tinamaan ng COVID 19 upang makagawa ng tamang aksyon, at sa mas madaling panahon, makaluwas at makpaghanap buhay na ang mga mamayan.

Makiisa po tayong lahat!