SIGALOT SA IRAN – US: BANTA SA POSIBLENG PAGTAAS SA PRESYO NG PETROLYO AT MGA PANGUNAHING BILIHIN
Napipinto ang posibleng pagtaaas ng petrolyo at ito’y lubhang makakaapekto sa presyo ng pangunahin bilihin. Sa kasalukuyan ang ating pamahalaan ay binabantayan ang paggalaw ng presyo ng petrolyo. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez sa kasalukuyan ay wala pang nakaambang pagtataas sa presyo ng mga pangunahin bilihin.
Bagamat wala pang pagtataas sa presyo ng langis bunsod ng gulo sa Iran kailangan magtakda ng mga epektibong hakbang o plano upang maibsan ang posibilidad ng epekto ng pagtataas ng presyo ng petrolyo. Kailangan din nating maghanap ng mga alternatibo pagkukunan ng petrolyo para sa pangangailangan ng buong bansa.
Ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay makakaapekto sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Panawagan natin sa bawat isa na maging mapagmatyag at maghanda kung sakaling tuluyang pumutok ang krisis na ito.