TIGILAN ANG MGA MAPAGSAMANTALANG PRIORITY FEE NG ILANG TNC/TNVS

Sa patuloy na pagbubukas ng ekonomiya nangangailangan ng sapat na pampublikong transportasyon.

Maging ang mga TNC/TNVS ay may malaking tulong upang matugunan ang tumitinding kakulangan sa pampublikong   transportasyon.   Ngunit   sa   gitna   ng   mahirap   na   lagay   ng   mga   konsyumer   ay   may   mga TNC/TNVS ang nagsasamantalang sa ating mga kababayan.

 Kamakailan lamang ay may reklamo hinggil sa labis na singil o pamasahe mula sa ilang TNC/TNVS. Ang nasabing singil ay mataas sa itinakdang tarima (fare matrix) ng LTFRB. Dahil maliban sa Standard Fee ay may Priority Fee pang naidagdag na lubhang nagpapataas ang singil. Ang Priority Fee ay isang opsyon subalit ito’y di na kailangan dahil napipilitan ang mga kawawang mananakay na patusin ang dagdag na singil upang mauna sa mahabang pila ng mga nagbook ng sakay. Ito ay malinaw na pananamantala sa mga kawawang mananakay.

Dahil sa Priority Fee, ang mga mananakay na may pera at kayang bayaran ang sinasabing “tip” ay may karapatang mauna sa ibang mananakay na tamang-tama lang ang pamasahe. Ito ay hindi makatarungan at diskriminayon sa mga mananakay na hindi kaya magdagdag ng “priority fee” para mauna sa pila. Kahit nakakatulong ito sa mga TNVS drivers, paano naman ang mga mahihirap na commuter?

Base sa panayam ko sa mga TNVS drivers ng sumubok ako ng TNVS,  di naman daw sa kanila napupunta ang buong halaga ng “Priority Fee.” Karaniwan din na ang pipiliin ng drivers ay ang may booking na may priority fee, lalo na pag rush hour.

Panawagan   ng   BK3,   na   ang   mga   TNC/TNVS   ay   tumalima   lamang   sa   nakatalagang   pamasahe   na inaprubahan ng LTFRB. Suportado din ang hakbang ng LTFRB na magkaroon ng mga Mystery Riders upang   matiyak   na   ang   lahat   TNC/TNVS   ay   tumatalima   sa   nakatakdang   tarima.   Nararapat   lamang   na kung may mga iregularidad o paglabag na mapatunayan laban sa mga TNC/TNVS ay kailangan ipatupad ang mga kaparusahan upang magsilbing aral at babala sa mga mananamantala.

Hiling   din   natin   sa   ating   mga   kababayang   mananakay, na  maging   mapanuri   at   alerto   sa   ating binabayarang   pamasahe.   At   sa   sandaling   may   mali   sa   singil   ay   kailangan   itong   ipagbigay   alam   sa LTFRB.

Kinikilala natin ang kontribusyon ng mga TNC/TNVS sa patuloy na pagdaloy ng ating ekonomiya. Batid natin na ang kanilang hanay ay kailangan ding kumita subalit ang labis na paniningil ay katumbas ng pananamantala na walang puwang sa isang maunlad na pamumuhay. Kaya nararapat lamang na matigil ang Priority Fee.

DISPILINAHIN ANG MGA MAPAGSAMANTALANG TNC/TNVS!

Pet A. Climaco

Secretary General

BK3