Isulong ang Broadband ng Masa
Isulong ang Broadband ng Masa
Ikinagagalak natin ang pagroll-out ng Broadband ng Masa Program ng ating pamahalaan. Nakikita natin itong isang malaking hakbang tungo sa pagtugon sa tinatawag na “digital divide.” Sa lumalawak na papel ng internet sa ating lipunan, lalo na sa usaping pang-ekonomiya, at mga opisyal na transaksyon sa mga public at private na tanggapan, kailangang masiguro na ang mga konsyumer, at lahat ng mamamayan ay may access sa internet.
Umaasa tayo sa mga susunod pang mga hakbang ng ating pamahalaan para masigurong kasama ang lahat ng mamamayan sa ating pag-unlad at pagsulong sa larangan ng information and communication technology, pangunahin na dito ang usapin ng internet access. Marami pang mga hakbang na kailangang gawin para maisakatuparan ito, pero umaasa tayong malinaw ang direksyon na ating tatahakin tungo dito.
Taglay ng pribadong sektor ang galing at malaking kapital upang maging matagumpay ang Broadband ng Masa. Dapat palawigin pa ang pagsanib pwersa ng gobyerno at pribadong sektor upang makahabol and Pilipinas sa mga bagong teknolohiyang nagagamit na ng ibang bansa sa pagpapapalakas ng kanilang mga industriya at ekonomiya.