Patuloy na Lumulobo ang presyo ng mga bilihin!
Ayon na mismo sa mga datos ng pamahalaan, walang tigil na tumataas ang ating inflation rate —ang sukat ng paglobo o pagtaas ng mga presyo sa pamilihan. Mula Enero hanggang Agosto 2021, ang implasyong ito ay humigit lumagpas na sa apat na porsiyento (4%)
Higit na ito sa dalawa hanggang apat na posiyento lamang na target sana ng pamahalaan.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA, nitong Setyembre 7, ang inflation rate ay umakyat na sa 4.9% noong Agosto mula sa 4% noong Hulyo.
Ang average inflation rate para sa Enero hanggang Agosto ay nas 4.4%, lampas din sa target ng pamahalaan.
Ayon na rin sa mga ulat ng pamahalaan, ang mga presyo ng pagkain, partikular ang mga isda (12.4%) at mga gulay (15.7%), ay nagtulak ng mas mataas na implasyon.
Para sa mga mamimili lalo ang mga pangkaraniwang konsyumer, nangangahulugan ito ng labis na kakapusan at pagkagutom sa kanilang mga pamilya. Higit pa rito, Sa ilalim ng pandemiya, ito ay nangangahulugan ng pagkakasakit iba pa nga ay tila isa itong malagim hatol ng kamatayan!
Nakapanlulumong sa kabila ng ganitong kalagayan, nabalita rin naman ngayong kalagitnaan ng Setyembre na ayon sa COA, mismong ang DSWD ay may 781 milyong pisong budget para sa ayuda na hindi pa nga nagamit!
Para sa BK3, ito ay isang kriminal na kapabayaan dulot ng matinding kapalpakan sa pamumuno sa bayan!
Nanawagan kami sa isang kagyat na pagbibigay atensyon ng administrasyong Duterte sa laganap na gutom sa ating bayan ngayong may pandemiya! Hindi droga ang tunay na problema ng nakararami kundi gutom at kakulangan sa ayuda! Ang kapalpakan sa pamamahala ay isang porma ng katiwalian at krimen, at ito ang pinakalaganap na krimen ngayon kung tutuusin.